Timbog ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Qualified Rape matapos mapasakamay ng mga awtoridad sa Barangay Libertad, Palo, Leyte nito lamang ika-26 ng Hulyo 2025.
Kinilala ni Police Major Gwen Alison C Corregidor, Acting Chief of Police ng Palo Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jonathan”, 37 anyos at residente ng Barangay Libertad, Palo, Leyte.
Bandang 9:50 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Palo Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng masusing operasyon ng ating kapulisan bilang bahagi ng pagsisikap na wakasan ang kriminalidad sa bansa.



