Arestado ang isang Newly Identified Drug Suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan sa Sitio Cogo, Barangay Maca-opao Kalilangan, Bukidnon nito lamang Hulyo 29, 2025.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng Kalilangan Municipal Police Station katuwang ang Provincial intelligence Unit (PIU), RMFB-10, 1004th Coy 2nd PB at PDEA-10.
Kinilala ni Police Captain Romeo M Arcilla Jr, Officer-In-Charge ng Kalilangan MPS, ang suspek na si alyas “Dodot”, 33 taong gulang, driver, at residente ng P-4, Barangay Bagor, Kadingilan, Bukidnon.
Nasamsam mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 2.75 gramo na may street value na Php18,700, isang Yamaha sniper 155 na motorsiklo at iba pang paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Bukidnon PNP ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra iligal na droga para sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng nasasakupan.



