DMFB MPD, nagsagawa ng Community Outreach Program

0
1021

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Manila Police District sa humigit-kumulang 100 residente ng Barangay 105, Tondo, Maynila nito lamang Lunes, Hulyo 28, 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Jesie Y. Escalo, Chief ng BCAS (Barangay Community Affairs Section), sa ilalim ng mahigpit na pangangasiwa ni Police Colonel Paul Jady D. Doles, Force Commander ng DMFB, bilang bahagi ng Community Engagement and Outreach Program ng kapulisan.

Layunin ng aktibidad na ito na maipadama ang malasakit at tulong ng kapulisan sa mga komunidad na nangangailangan, lalo na sa mga kababayan nating patuloy na humaharap sa hamon ng kahirapan at epekto ng mga kalamidad.

Bukod sa pamamahagi ng pagkain o relief goods, nagkaroon din ng lecture at livelihood program.

Nakipag-ugnayan rin ang mga kasapi ng DMFB sa mga lokal na opisyal ng barangay upang talakayin ang patuloy na pagpapatibay ng peace and order sa nasabing lugar.

Mainit namang tinanggap ng mga residente ang tulong at pasasalamat ang bakas sa kanilang mga mukha.

Ayon kay PCol Doles, “Hindi lamang tungkulin ng kapulisan ang magpatupad ng batas, kundi responsibilidad din naming tiyakin ang kapakanan at kagalingan ng bawat mamamayan, lalo na sa mga komunidad na pinaka-nangangailangan.”

Source: DMFB BCAS

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos