Php2.5M halaga ng iligal na droga nakumpiska ng PRO13; 49 indibidwal, arestado

0
818

Nakumpiska ng Police Regional Office 13 ang tinatayang Php2,556,248.80 halaga ng iligal na droga at naaresto ang 49 na indibidwal sa isinagawang lingguhang anti-illegal drug operation mula Hulyo 21 hanggang 27, 2025 sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Kinumpirma ni Police Brigadier General Christopher N. Abrahano, PRO 13 Regional Director, na kabuuang 48 operasyon kontra droga na nagresulta sa pagkakadakip ng 20 High Value Individuals (HVIs) at 29 Street Level Individuals (SLIs).

Umabot sa 375.836 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php2,555,684.80 at 4.70 gramo ng marijuana na tinatayang Php564.00 ang nakumpiska sa mga operasyon, kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia at mga ebidensyang hindi droga gaya ng isang baril.

Ang pinakamalaking operasyon ay isinagawa noong Hulyo 22 sa Barangay Taft, Surigao City, Surigao del Norte, kung saan nasamsam ang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php1,021,292.

Naaresto rin ang isang 51-anyos na suspek na kilala sa alyas na “Lao,” na kabilang sa PNP Caraga watchlist bilang isang HVI. Narekober din mula sa kanya ang isang Norinco caliber .45 na baril na may lamang mga bala.

“These numbers reflect the intensified efforts and genuine service of every PRO13 personnel in keeping our region safer and more peaceful. Let us continue this momentum through sustained cooperation and support for our anti-illegal drug operations,” ani PBGen Abrahano.

Panulat ni Pat Karen Mallillin