Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit Php551,480 halaga ng hinihinalang shabu sa isang anti-illegal drug operation na isinagawa ng Dinalupihan Municipal Police Station sa Barangay Pag-asa, Dinalupihan, Bataan nito lamang Sabado, ika-26 ng Hulyo 2025.
Ayon kay Police Colonel Marites A Salvadora, Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Dinalupihan Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong hinihinalang tulak ng droga.
Narekober mula sa mga suspek ang tinatayang 81.1 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php551,480 at iba pang non-drug items at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang nasabing operasyon ay patunay ng walang humpay na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga sa rehiyon at ng determinasyong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa buong lalawigan.
Panulat ni Pat Lixen reyz A Saweran



