Wanted Person sa kasong frustrated murder, arestado ng Castilla MPS

0
46

Naaresto ng mga operatiba ng Castilla Municipal Police Station (MPS) ang isang wanted person sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Oras, Castilla, Sorsogon, bandang 8:45 ng gabi nitong Hulyo 17, 2026.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Egay”, 29 taong gulang. Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansang Php200,000.00.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Castilla MPS sa ilalim ng Target Intelligence Packet. Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan sa wikang kanyang nauunawaan at isinailalim siya sa medical examination sa Castilla District Hospital bago siya dinala sa kustodiya ng Castilla MPS para sa kaukulang proseso.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCol Alex C Daniel, Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office, patuloy na pinaiigting ng Sorsogon PPO ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan bilang bahagi ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply