Wanted person sa kasong attempted rape, arestado sa Mandaon, Masbate

0
97

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 29-anyos na lalaki sa isinagawang operasyon sa Barangay Nailaban, Mandaon, Masbate bandang alas-8:45 ng umaga nitong Agosto 10, 2026.

Nanguna sa operasyon ang mga intelligence operatives ng 2nd Mobile Force Platoon, Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLtCol Michael P. Lorilla, Force Commander, sa pakikipag-koordinasyon sa Mandaon Municipal Police Station.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 45, kaugnay sa kasong Attempted Rape.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang dahilan at uri ng kanyang pagkakaaresto sa wikang kanyang nauunawaan, alinsunod sa itinakdang proseso. Agad siyang dinala sa kustodiya ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon habang hinihintay ang turnover sa kinauukulang hukuman.

Bahagi ang operasyon ng patuloy na pagsisikap ng Masbate 1st PMFC at Mandaon MPS na tugisin at arestuhin ang mga wanted person at ipatupad ang mga warrant of arrest sa legal at konstitusyonal na pamamaraan, upang matiyak na ang mga indibidwal na nahaharap sa mga kasong kriminal ay mapanagot sa batas alinsunod sa kampanya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/19EG2VnJoC/

Leave a Reply