Suspek arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Oas, Albay; Php3.4M halaga ng hinihinalang shabu, narekober

0
23

Isang high-value individual ang timbog sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad sa Oas, Albay nitong Agosto 10, 2026.

Tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php3.4 milyon ang nakumpiska sa operasyon mula sa isang suspek na kinilala sa alyas na “Bryan.”

Pinangunahan ang operasyon ng mga operatiba ng PIU Albay PPO bilang lead unit, katuwang ang Oas MPS, Albay 1st PMFC, SOU-PDEG5, RPDEU5, ODRDO, 505th MC RMFB5, at PDEA Albay Provincial Office, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV.

Naaresto ang suspek matapos makabili ang poseur-buyer ng humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu, habang nadiskubre sa body search ang karagdagang apat na pakete ng hinihinalang ilegal na droga.

Isinagawa sa lugar ng operasyon ang pagmamarka, imbentaryo, at dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga mandatory witness, alinsunod sa Republic Act No. 9165. Naitala rin ang buong operasyon gamit ang Alternative Recording Device, habang ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine sa wikang kanyang nauunawaan at isinailalim din siya sa medical examination bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Patuloy na pinaiigting ng Albay Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCol Noel Donato Nuñez, Provincial Director, ang kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng “Serbisyong NOEL – Nararapat, Organisado, Epektibo at Laging Maaasahan.,” alinsunod sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply