Nakumpiska ng mga tauhan ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php356,524.00 sa isang buy-bust operation sa Yolanda Heights, Barangay Old Poblacion, Escalante City, nito lamang ika-10 ng Agosto 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Liz,” 48 taong gulang, residente ng nasabing lugar at itinuturing na high-value individual. Isinagawa ang operasyon ng Escalante City Police Station, Negros Occidental Police Provincial Office (NOcPPO), katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU).
Nakuha sa operasyon ang siyam na heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, kabilang ang buy-bust item, Php6,500.00 buy-bust money, at isang itim na shoulder bag.
Binigyang-diin ng PRO-NIR na ang naturang operasyon ay hindi lamang tungkol sa pag-aresto, kundi bahagi ng tuloy-tuloy at intelligence-driven na pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) na protektahan ang mga komunidad laban sa pinsalang dulot ng ilegal na droga.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek para sa tamang disposisyon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa ilalim ng Bagong PNP Para sa Bagong Pilipinas, patuloy na isinusulong ng PRO-NIR ang isang police service na mabilis sa pagtugon sa mga banta sa seguridad, tapat sa pagpapatupad ng batas, at nararamdaman sa aktuwal na proteksyon at serbisyo sa mamamayan.
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos
Source: https://www.facebook.com/share/p/1JfcHDTZuN/



