Tubo MPS, 2nd Abra PMFC, at iba pang volunteers, nagsagawa ng road clearing operation sa Tubo

0
27

Nagsagawa ng bayanihan road-clearing activity ang R-PSB Team ng Tubo (Zone 3), na binubuo ng mga tauhan ng Tubo Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PEMS Froilan W. Wagayen at 2nd Abra Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pangunguna ni PCpl Jomel B. Bingcola, kasama ang mga opisyal ng Barangay Dilong at civilian volunteers, sa gumuho at napinsalang bahagi ng kalsada sa Kingking noong Agosto 16, 2026.

Gamit ang chainsaw, nilinis ng mga kalahok ang mga nakahambalang na puno at inalis ang mga bato, lupa, at iba pang debris na bumara sa pansamantalang daanan. Layunin ng aktibidad na mapanatiling bukas at madaraanan ng mga motorsiklo ang naturang ruta, na kasalukuyang pangunahing paraan ng transportasyon papunta at mula sa mga Barangay Dilong, Tubtuba, at Alangtin.

Gayunman, pinapayuhan ang mga motorista at residente na manatiling maingat dahil maaaring magbago ang kondisyon ng daan, partikular kapag muling nakaranas ng malakas na pag-ulan.

Ipinakita ng naturang operasyon ang diwa ng bayanihan at malasakit ng kapulisan, pamahalaang barangay, at komunidad sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residente habang hinihintay ang permanenteng rehabilitasyon ng nasirang kalsada.

Source: PNP Abra Tubo (https://www.facebook.com/share/v/1HLG7VZadW/)

Leave a Reply