PRO8 nakakumpiska ng Php2.2m halaga ng isda at kagamitan sa illegal fishing; 21 arestado

0
30

Arestado ng Police Regional Office 8 (PRO8) ang tinatayang nasa 21 indibidwal habang nakumpiska naman ang nasa mahigit Php2.2 million halaga ng mga huli at fishing equipment sa mga operasyon na isinakatuparan sa mga lalawigan ng Leyte, Southern Leyte at Biliran nito lamang August 16, 2026.

Sa Leyte, arestado ang tatlong indibidwal sa magkakahiwalay na anti-illegal fishing operations sa mga baybaying bahagi ng Matalom, Isabel, at Bato. Nakumpiska sa mga suspek ang mga fishing boat, spear guns, fishing nets, compressors, flashlights, at iba’t ibang isda na mayroong kabuuang estimated value na Php67,750.

Samantala, tatlong indibidwal din ang nahuli sa Southern Leyte, partikular na sa mga bayan ng Limasawa, Pintuyan, at Saint Bernard kung saan narekober ang nasa Php14,100 halaga ng mga ilegal na huling isda at mga kagamitang pangisda.

Sa lalawigan ng Biliran naman, 15 indibidwal ang hinuli ng mga awtoridad  dahil sa parehong anti-illegal fishing operation sa baybaying bahagi ng Culaba. Nakumpiska sa kanila ang mga fishing boat, motor engines, fishing nets, at mga isda na may kabuuang estimated value na Php2,129,200.

“I call on our fisherfolk and coastal communities to comply with established fishing regulations and help us protect our marine resources. I also encourage the public to report illegal fishing activities to the authorities so that we can take immediate and appropriate action,” pahayag pa ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director ng PRO8.

Bahagi ang naturang accomplishments ng walang tigil na kampanya ng PRO 8 sa Focused Agenda ng Pambansang Pulisya, partikular na ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO) alinsunod sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/14pfxdwiKRG/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply