PRO2, kinilala sa pagpapanatili ng seguridad sa Pavvurulun Afi Festival 2026

0
43

Kinilala ang Police Regional Office 2 (PRO2) sa mahalagang ambag nito sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa matagumpay na pagdaraos ng Pavvurulun Afi Festival 2026, kasabay ng Closing Ceremony nito noong Agosto 17, 2026.

Pinangunahan ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng PRO2, ang pakikiisa ng kapulisan sa Unity Walk/Foot Parade mula sa Hotel Delfino hanggang sa Tabacalera, na sinundan ng Closing Ceremony ng naturang festival.

Bilang pagkilala sa suporta ng PRO2 sa ligtas at mapayapang pagdaraos ng selebrasyon, tumanggap si PBGen Rodriguez ng Plaque of Appreciation para sa PRO2. Kinilala rin ang Cagayan Police Provincial Office (CPPO) at Tuguegarao City Police Station (TCCPS) sa kanilang ambag sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa buong pagdiriwang.

Dinaluhan din ang aktibidad ng mga lokal na opisyal, law enforcement personnel, stakeholders, at mga miyembro ng komunidad, na nagpakita ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagsusulong ng ligtas na pagdiriwang at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng Tuguegarao City.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikiisa at suporta sa mga lokal na programa, patuloy na pinagtitibay ng PRO2 ang pakikipagtulungan nito sa mga lokal na pamahalaan, stakeholders, at komunidad upang mapanatili ang kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan sa Cagayan Valley.

Source: PNP Police Regional Office 2

Leave a Reply