Arestado ng Sogod PNP ang tinaguriang Top 9 Provincial Most Wanted Person na may kasong Rape sa Barangay San Pedro, Sogod, Southern Leyte nito lamang ika-23 ng Oktubre 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joseywells M Estopin, Officer-In-Charge ng Sogod Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Balodoy”, 50 anyos at residente ng Barangay San Pedro, Sogod, Southern Leyte.
Bandang 5:45 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sogod Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Sogod PNP ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan sa bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.



