Arestado ng San Fernando PNP ang Top 2 Most Wanted Person sa Provincial Level na may kasong Sexual Assault at 2 Counts of Rape sa Barangay South Poblacion, San Fernando, Cebu, noong ika-22 ng Oktubre 2025.
Kinilala ni Police Major Michael C Gingoyon, Chief of Police ng San Fernando Municipal Police Station, Cebu Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jupiter”, 27-anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Sexual Assault na may Php200,000 rekomendadong piyansa at 2 Counts of Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay patunay ng San Fernando PNP ng kanilang mas pinaigting na pagpapatupad ng batas upang panatilihing ligtas at payapa ang komunidad alinsunod sa direktiba ni PLtGen Jose Melencio C Nartatez Jr, Acting Chief, Philippine National Police.
Source: San Fernando MPS SR

