Nagsagawa ng lectura ang mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station hinggil sa PNP Drug Awareness at PNP Anti-Criminality Campaign sa mga mag-aaral ng San Isidro Senior High School, sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal nito lamang ika-25 ng Oktubre, 2025.
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa ginanap na talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong at pagbabahagi ng kanilang mga pananaw hinggil sa isyu ng droga at kriminalidad.
Ipinakita rin nila ang kanilang suporta sa mga adbokasiya ng PNP laban sa ilegal na droga at terorismo.
Layunin ng naturang aktibidad na mapalawak ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa masasamang epekto ng ilegal na droga, at mahikayat silang maging aktibong katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ang Rodriguez MPS ay patuloy na nagsasagawa ng mga information and education campaign sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang bahagi ng programa ng PNP laban sa kriminalidad, terorismo, at paggamit ng ilegal na droga.



