Arestado ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Parañaque City Police Station ang kabilang sa Top 9 Most Wanted Person ng National Capital Region Police Office dahil sa kasong Qualified Rape noong hapon ng Oktubre 8, 2026 sa kahabaan ng C5 Road, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Kinilala ni PBGen Rodel A Pastor, District Director ng Southern Police District,ang suspek na si alyas “Edmun,” 37 taong gulang kaugnay ng kasong paglabag sa Article 266-A(1), kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997 na walang inirekomendang piyansa.
“The arrest of a Top 9 Regional Most Wanted Person highlights our intensified manhunt operations and commitment to justice. We will continue to track down wanted individuals and ensure that they face the charges against them through the proper legal process,” (“Ang pagkakaaresto sa isang indibidwal na kabilang sa Top 9 Regional Most Wanted Persons ay nagpapakita ng pinaigting na operasyon ng kapulisan laban sa mga wanted na indibidwal at ng aming dedikasyon sa pagtataguyod ng katarungan. Patuloy naming tutugisin ang mga taong may kinakaharap na warrant of arrest at sisiguraduhing haharap sila sa mga kasong isinampa laban sa kanila sa pamamagitan ng wasto at naaayon sa batas na proseso,) saad ni PBGen Pastor.

