Arestado ang dalawang indibidwal matapos nasabat ang humigit-kumulang 180 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1,224,000 sa isinagawang buy-bust operation noong hapon ng Oktubre 8, 2026 sa parking area ng isang komersiyal na establisimyento sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Ayon kay PBGen Christopher N. Abrahano, Officer-In-Charge ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek na isang 23-anyos na babae at isang 24-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasamsam mula sa babaeng suspek ang dalawang malalaking plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng isang itim na eco bag at iba pang non-drug items.
Samantala, nakumpiska naman mula sa lalaking suspek ang marked money, na nakalagay sa isang asul na paper bag.
“Those who sell dangerous drugs or attempt to engage in illegal drug transactions must understand that the law leaves no room for such activities. We will intercept these transactions, pursue those responsible, and ensure they face the appropriate charges. No public place will serve as a safe ground for the illegal drug trade,” PBGEN Abrahano warned, emphasizing the unyielding stance of the regional command.” (Dapat maunawaan ng mga nagbebenta ng mapanganib na droga o nagtatangkang makipagtransaksiyon nang ilegal na walang puwang ang ganitong gawain sa ilalim ng batas. Pipigilan natin ang mga ilegal na transaksiyong ito, tutugisin ang mga responsable, at sisiguraduhing haharap sila sa kaukulang mga kaso. Walang pampublikong lugar ang maaaring gawing ligtas na kanlungan ng ilegal na kalakalan ng droga) mensahe ni PBGen Abrahano.
