Arestado ng mga operatiba ng PNP Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang Rank 4 Most Wanted Person Regional Level na nahaharap sa kasong Murder sa isinagawang operasyon sa Brgy. Dolores, Ormoc City, Leyte noong Oktubre 6, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG Visayas Field Unit (AKG VFU) Ormoc Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 8 (PRO 8), na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa naturang wanted person na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case Number R-ORM-26-0664 na walang inirekomendang piyansa.
“Ang pagkakaarestong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PNP AKG at mga katuwang nitong law enforcement units sa pagtugis sa mga wanted person at pagpapatupad ng mga kautusan ng hukuman, bilang bahagi ng kanilang mandato na mapanatili ang seguridad at maitaguyod ang paghahatid ng hustisya,” mensahe ni PBGEN
Edwin C Balles, Director, PNP AKG.

