Php20.4M halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam ng PNP sa buy-bust sa Zamboanga; suspek, arestado

0
45

Arestado ang isang suspek habang humigit-kumulang tatlong kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php20.4 milyon at iba pang non-drug items ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation noong Oktubre 7, 2026 sa kahabaan ng Calle Real, Brgy. Mercedes, Zamboanga City.

Ayon kay Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief ng Philippine National Police (PNP), naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit 9, PDEA 9, PDEG-SOU9, 1st Special Operations Unit ng Maritime Group, 904th Regional Mobile Force Battalion 9, Zamboanga City Maritime Police Station, PNP-SAF, at Police Station 4 ng Zamboanga City Police Office.

“We have to stay focused on the people and activities behind the drug trade. This operation shows what can be achieved when our units work closely with our partner agencies and act on verified information,” (Dapat nating ituon ang ating pansin sa mga taong sangkot at sa mga gawaing nasa likod ng kalakalan ng ilegal na droga. Ipinakikita ng operasyong ito ang mga resultang maaaring makamit kapag nagtutulungan nang maayos ang ating mga yunit at mga katuwang na ahensiya, at kumikilos batay sa mga impormasyong napatunayang wasto,) saad ni PGen Nartatez.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CHTMxZy71/

Leave a Reply