Arestado ng mga tauhan ng Tapaz Municipal Police Station ang tinaguriang Top 8 Provincial Most Wanted Person at Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Poblacion, Tapaz, Capiz bandang 11:25 ng gabi noong Oktubre 6, 2026.
Kinilala ni Police Major Gregg Anthony V Salbang, Chief of Police ng Tapaz MPS, ang suspek na si alyas “Roger,” 57-anyos na magsasaka na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php120,000 at Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php36,000.
Patuloy naman ang pinaigting na kampanya ng Tapaz MPS laban sa mga wanted person upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bawat komunidad na naayon sa layunin na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas, kung saan ang serbisyo ay mabilis, tapat, at tunay na nararamdaman ng mamamayan.
Source: Tapaz Municipal Police Station

