Rank 2 Most Wanted Person ng Eastern Visayas sa kasong Statutory Rape, arestado sa Binangonan, Rizal

0
55

Arestado ang Rank 2 Most Wanted Person ng Eastern Visayas sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa Barangay Batingan, Binangonan, Rizal nito lamang Martes, Oktubre 6, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Emmanuel P Caquilala, Officer-In-Charge ng Southern Leyte Police Provincial Office, ang suspek na isang 36-anyos na lalaki, isang barber at tattoo artist, na tubong Barangay San Roque, Macrohon, Southern Leyte.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng 1st Southern Leyte Provincial Mobile Force Company, Binangonan Municipal Police Station, Rizal Police Provincial Office, Police Regional Office 4-A, Macrohon Municipal Police Station, Southern Leyte Provincial Intelligence Unit, Southern Leyte Provincial Intelligence and Detection Management Unit.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Patuloy namang pinaiigting ng Southern Leyte PNP ang mga operasyon laban sa mga wanted person upang matiyak ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest, mapanatili ang seguridad at kaayusan sa komunidad, at maisulong ang adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Southern Leyte Police Provincial Office

Leave a Reply