Php116K halaga ng hinihinalang ilegal na droga, nakumpiska sa Baguio City; tindero, arestado

0
56

Arestado ang isang tindero sa ikinasang buy-bust operation, habang dalawang plantasyon naman ng marijuana ang nadiskubre sa isinagawang marijuana eradication operation ng mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) nito lamang ika-5 ng Oktubre 2026.

Sa ulat ng Baguio City Police Office, inaresto ang 53-anyos na lalaki matapos nitong magbenta ng dalawang sachets ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na isang  gramo at may kabuuang halaga na aabot sa Php6,800 sa Brgy. AZCKO, Baguio City.

Ang nasabing operasyon ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng mga operatiba mula sa City Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, at Police Station 7 ng Baguio CPO, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Baguio-Benguet.

Samantala, naging matagumpay naman ang isinagawang marijuana eradication operation matapos madiskubre ang 750 fully grown marijuana plants na aabot sa Php110,000 ng mga operatiba mula sa Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company, at Kibungan Municipal Police Station ng Benguet Police Provincial Office sa Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet.

Ang mga operasyong ito ay patunay ng matatag na pagtutulungan ng mga awtoridad sa pagsugpo sa ilegal na droga sa rehiyon. Patuloy naman ang pagpapatupad ng PRO CAR sa ilalim ng liderato ni Police Brigadier General Noel B Vallo, Regional Director, ng mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan ng komunidad.

Panulat ni PCpl Pangosban, RB/ Pat Cuaresma

Source: https://www.facebook.com/share/p/1MS7gUQYGd/

Leave a Reply