Top 5 Regional MWP, naaresto sa Cebu City

0
24
Screenshot

Arestado ng Tracker Team ng Police Station 9 ng Cebu City Police Office (CCPO) ang isang Top 5 Regional Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Rape Through Sexual Assault sa isinagawang operasyon sa V. Rama Avenue, Barangay Guadalupe, Cebu City noong Mayo 20, 2026.

Sa pamumuno ni PCpt Venstine Ponce Bontilao, Station Commander ng PS9-CCPO, matagumpay na naisilbi ng mga operatiba ang Warrant of Arrest laban sa akusado bandang alas-12:04 ng tanghali.

Ang warrant ay inilabas noong Mayo 19, 2026 ng Regional Trial Court Branch 53 sa Lapu-Lapu City kaugnay ng kasong Rape Through Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A (1) kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa custodial facility ng Police Station 9 at pansamantalang ikinulong habang hinihintay ang iba pang mga proseso para sa pagbabalik nito sa korte na naglabas ng warrant.

Ayon sa CCPO, ipinapakita ng matagumpay na operasyon ang patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” kung saan mas mahigpit nilang ipinapatupad ang batas upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng buong komunidad.

Leave a Reply