Suspek, arestado dahil sa ilegal na baril sa oplan bulabog sa Cebu City

0
21
Screenshot

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng kalibre .38 revolver na may dalawang bala sa isinagawang OPLAN BULABOG ng Police Station 5 ng Cebu City Police Office (CCPO) sa Sitio Ermita Proper, Barangay Ermita, Cebu City noong gabi ng Mayo 20, 2026.

Ayon kay PMaj Thom Ed Taghoy II, Station Commander ng PS5, CCPO agad rumesponde ang Tracker Team sa ulat ng isang concerned citizen hinggil sa umano’y armadong lalaki sa lugar.

Sa beripikasyon ng mga operatiba, natyempohan ang suspek na may dalang baril ngunit walang maipakitang legal na dokumento para rito, dahilan upang siya ay arestuhin dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 5 ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte.

Ayon pa sa CCPO, patunay ang matagumpay na operasyon sa kanilang pinaigting na kampanya kontra kriminalidad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad sa ilalim ng mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdam.”

Leave a Reply