Arestado ang tinaguriang Top 5 High Value Individual sa City Level at nakumpiska ang tinatayang Php161,024 halaga ng shabu, baril at bala sa ikinasang dalawang search warrants ng mga otoridad sa Purok 22, Abad Compound, Malagamot, Barangay Panacan, Davao City nito lamang madaling araw ng Martes, Enero 13, 2026.
Kinilala ni Police Colonel Mannan C Muarip, City Director ng Davao City Police Office, ang suspek na si alyas “Mark”, 32 anyos, local painter.
Nakumpiska mula sa suspek ang sachets ng hinihinalang shabu na may estimated street value na nagkakahalaga ng Php161,024, isang.38-caliber revolver at dalawang bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Patuloy ang mas pinaigting na operasyon ng Davao City PNP upang maprotektahan ang komunidad laban sa masamang epekto ng iligal na droga na tiyak na nagdudulot ng pagkasira ng kalusugan, pagtaas ng kriminalidad, at pagkawatak-watak ng mga pamilya.



