Arestado ang dalawang indibidwal sa iligal na baril sa ikinasang checkpoint operation ng mga mga tauhan ng Marawi City Police Station sa Barangay Cadayonan II, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang Lunes, Enero 12, 2026.
Ayon kay Police Colonel Caezar P Cabuhat, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, naharang ang isang motorsiklo na walang plate number na sakay ang mga suspek na may kinahinahinalang kilos at nang inseksyunin ng kapulisan ang dalang sling bag ay tumambad ang isang NORINCO CNM1911A1 caliber .45 pistol na may serial number BA24652-09-246, isang magazine caliber .45 pistol, at tatlong piraso ng caliber .45 ammunition.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Patuloy ang agresibong kampanya ng Marawi City PNP laban sa mga iligal na baril na nagdudulot ng banta sa kapayapaan at seguridad ng komunidad. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay na walang puwang sa lalawigan ang sinumang lalabag sa batas.



