Bumisita si Police Brigadier General Antonio P. Marallag Jr., Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2), sa 277 miyembro ng Public Safety Field Training Program (PSFTP) Class 2024-02 na may bansag na “MANDALA” sa Regional Special Training Unit 2 (RSTU-2), Camp Florendo noong Enero 12, 2026.
Kasama rin sa mga dumalo sina PCol Tirso D. Manoli, Chief ng RPRMD; PCol George P. Cablarda, Chief ng RLDDD; PCol Edith D. Narag, Chief ng RCD; PCol Arnold Dugas, Training Manager ng RSTU; at PLtCol James Nalliw, Officer-in-Charge ng RHSD 2, na nagpakita ng suporta sa patuloy na pagsasanay at paghubog sa mga bagong miyembro ng kapulisan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen Marallag Jr. ang kahalagahan ng disiplina at mahigpit na pagsunod sa mga itinakdang patakaran at polisiya ng pagsasanay. Ipinaalala rin niya sa mga trainees na makakaasa silang patuloy na inuuna ng PRO2 ang kanilang morale at kapakanan habang sila ay sumasailalim sa specialized training at sa buong panahon ng programa.
Ayon pa sa Regional Director, ang wastong disiplina at propesyonalismo ay pundasyon ng pagiging epektibong alagad ng batas at mahalaga sa paghahanda ng mga pulis na magsisilbi sa publiko nang may integridad at malasakit.
Source: Police Regional Office 2



