ACPNP Nartatez, nagsagawa ng Command Visit sa PRO3

0
405

Matagumpay ang isinagawang command visit ni PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Acting Chief ng Philippine National Police (PNP), sa Police Regional Office 3 (PRO3) noong Enero 12, 2026, kung saan siya ay pormal na sinalubong ni PBGen Ponce Rogelio I. PeƱones Jr., Regional Director ng PRO3, kasama ang Command Group at Regional Staff.

Sa kanyang pagbisita, binigyang-pansin ni PLtGen Nartatez ang pag-alam ng kalagayan ng mga operasyon sa rehiyon, pati na rin ang pagbibigay-patnubay sa mga opisyal na pagtuunan nang pansin ang mga hakbang na may kinalaman sa peace and order at paghahatid ng serbisyo-publiko sa Central Luzon. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng malinaw na pananagutan, matibay na disiplina, at maagap na aksyon sa pagtugon sa mga hamon sa seguridad at organisasyon.

Pinangunahan din ni ACPNP Nartatez ang pagbasbas ng bagong tayong PRO3 Multipurpose Hall at Finance Building, na aniya’y makatutulong sa mas episyente at maayos na operasyon at sa kapakanan ng mga kawani ng kapulisan.

Sa isinagawang ā€œTalk to Men,ā€ personal na ipinaalala ni PLtGen Nartatez sa mga opisyal at tauhan ng PRO3 na ang disiplina, integridad, at propesyonalismo ang nananatiling pundasyon ng isang kapani-paniwala at epektibong serbisyo-pulis. Sinundan ito ng isang Command Conference na tumalakay sa mga regional accomplishments, isyu sa kaayusan, at mga susunod na direksyon ng operasyon.

Ang command visit ay patunay sa aktibong pamunuan ng PNP na pagtibayin ang pagkakaisa ng buong pwersa ng pulisya upang tugunan ang mga hinaing ng publiko at panatilihin ang isang ligtas at payapang Bagong Pilipinas.