Top 10 Most Wanted Person, Station Level, arestado sa Las Piñas City

0
729

Arestado ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person, Station Level, sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Talon 4, Las Piñas City, noong ika-16 ng Abril 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Glenn Oliver Cinco, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Arwin,” 45 anyos, na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 84504 sa kasong Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes and Other Instruments of Credit.

“We remain relentless sa ating pagtugis sa mga indibidwal na patuloy na umiiwas sa hustisya. Inuulit ko na walang sinuman ang makakatakas sa batas. Hinihikayat namin ang mga may nakabinbing warrant of arrest na boluntaryong sumuko at harapin ang kanilang pananagutan bago pa man sila tuluyang maaresto ng mga awtoridad,” saad ni PBGen Cinco.

Leave a Reply