2 pulis, tumulong sa pagpapa-anak ng isang buntis sa Iligan City; sanggol, ligtas at nasa mabuting kalagayan

0
1435

Walang sinayang na panahon at agad na tumulong ang dalawang pulis mula sa Iligan City Police Office sa pagpapaanak ng isang buntis sa loob ng comfort room sa Iligan Bus at Jeepney Terminal sa Brgy. Hinaplanon, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang umaga ng Miyerkules, Abril 29, 2026.

Kinilala ni Police Leo Sua, Provincial Director ng Lanao del Norte Police Provincial Office, ang dalawang pulis na sina Police Chief Master Sergeant Marc T Claro at Police Corporal Grace E Bautista sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jerry Tambis, City Director ng Iligan City Police Office.

Napag-alaman na agad tumulong ang dalawang pulis sa pagpapa-anak at matagumpay na nasalo ang sanggol na lalaki sa tamang oras at napigilan ang pagkahulog nito sa sa sahig.

Samantala, nasa mabuting kalagayan na ang mag-ina na dinala sa Gregorio T. Lluch Memorial Hospital ng mga tauhan ng Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ang agarang aksyon ng dalawang pulis ay nagpapakita ng tunay na dedikasyon ng isang alagad ng batas. Tunay nga na ang serbisyo publiko ay natural lamang sa dalawang pulis na sina PCMS Claro at PCpl Bautista, na ipinakita ang dedikasyon ng may pagmamahal sa kapwa, sumisimbolo na sa gitna ng magulong mundo, maraming tao pa rin ang handang tumulong nang walang hinihinging kapalit na may dalang liwanag at pag-asa sa bayan at nagpapakita ng tunay na kabayanihan.

Iyan ang tunay na serbisyo, dahil sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply