Nakiisa ang mga tauhan ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office sa isang bloodletting activity na ginanap sa gymnasium ng Provincial Government Center sa Brgy. Simuay, Sultan Kudarat, nito lamang umaga ng Miyerkules, Abril 29, 2026.
Kaisa si Police Colonel George D. Bagundol Jr., Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, sa layunin ng mga bumubuo ng Rural Health Unit ng Sultan Kudarat ng Maguindanao del Norte, Cotabato Sanitarium at General Hospital na makalikom ng dugo.
Layunin ng aktibidad na suportahan ang makataong adhikain at hikayatin ang boluntaryong pagdo-donate ng dugo upang matiyak ang sapat at ligtas na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan.
Ipinakita ng aktibidad ang patuloy na serbisyong pangkomunidad, kalusugan ng publiko, at mabuting ugnayan sa mga katuwang na sektor.
Matagumpay na natapos ang programa na nagpakita ng malasakit, pananagutan, at dedikasyon ng mga kalahok sa pagliligtas ng buhay.



