Tinalakay ng kapulisan ang kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong kaalaman sa pagtugon sa mga banta sa loob ng paaralan ng Sto. Niño National High School (NHS) ang Safety Awareness Lecture nito lamang Agosto 24, 2026 sa Talaingod, Davao del Norte.
Tinalakay sa aktibidad ang mga nararapat na hakbang at safety measures na dapat gawin ng mga mag-aaral sakaling magkaroon ng active shooter incident o iba pang katulad na banta ng mga tauhan ng Talaingod Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Jessery Y Laroa, Chief of Police.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging alerto, pananatiling kalmado, at pagsunod sa mga itinakdang safety protocols.
Ipinaliwanag din sa mga estudyante ang pangunahing konsepto ng “Run, Hide, Fight” bilang gabay sa pagharap sa isang aktibong banta. Hinikayat ang mga ito na agad na magsumbong sa kanilang mga guro, school authorities, o kapulisan kapag may napansing kahina-hinalang tao o aktibidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na edukasyon, paghahanda, at koordinasyon sa pagitan ng PNP at school community, layunin ng aktibidad na mapalakas ang kamalayan at kahandaan ng mga mag-aaral upang makatulong sa paglikha ng mas ligtas at secure na learning environment.
Layunin din nitong matiyak na ang bawat miyembro ng paaralan ay may sapat na kaalaman sa wastong pagtugon at pagprotekta sa sarili at sa iba sakaling magkaroon ng emergency o aktibong banta na naaayon sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Talaingod Municipal Police Station



