PRO6, nakapag-aresto ng 862 Wanted Persons sa pinaigting na manhunt operations

0
2823
Screenshot

Nakapag-aresto ang Police Regional Office 6 (PRO6) ng kabuuang 862 wanted persons mula Mayo 22 hanggang Agosto 22, 2026, bunga ng pinaigting na manhunt at intelligence-driven operations sa buong Western Visayas.

Batay sa consolidated data ng PRO6, kabilang sa mga naaresto ang 649 Other Wanted Persons (OWPs) at 213 Most Wanted Persons (MWPs).

Kapansin-pansin din na sa loob ng nasabing tatlong buwan, lahat ng nasa Top 10 Regional-Level Most Wanted Persons para sa bawat buwan ay matagumpay na naaresto, patunay ng tuloy-tuloy na pagtutok ng PRO6 sa mga high-priority wanted persons sa rehiyon.

Pinakamataas ang bilang ng mga naaresto sa Iloilo Police Provincial Office (PPO) na may 340, sinundan ng Iloilo City Police Office na may 148, Aklan PPO na may 110, Capiz PPO na may 107, Antique PPO na may 98, Guimaras PPO na may 27, Regional Mobile Force Battalion 6 na may 25, at Criminal Investigation and Detection Group- Regional Field Unit 6 na may 7.

Binigyang-diin ni PRO6 Regional Director PBGen Randulf T Tuaño na ang accomplishment ay resulta ng pinaigting na intelligence gathering, mahigpit na koordinasyon ng mga police unit, at suporta ng komunidad sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga akusado.

Bilang pagtalim sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Mararamdaman,” patuloy na pinaiigting ng PRO6 ang kampanya laban sa mga wanted person bilang bahagi ng Responsive, Trusted, at Transformative Policing tungo sa mas ligtas at mapayapang Western Visayas.

Source: https://www.facebook.com/share/p/18KjPfMjMc/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply