PRO3, naghanda sa bagyong “Obet”; Simultaneous showdown inspection ng SAR equipment, isinagawa

0
234

Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong “Obet,” nagsagawa ang Police Regional Office 3 (PRO3), sa pamumuno ni PBGen Jess B. Mendez, Regional Director, ng simultaneous showdown inspection sa Search and Rescue (SAR) equipment ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) noong Agosto 24, 2026.

Isinagawa ang inspeksyon sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), sa pangunguna ni PCol Ferdinand D. Germino, upang matiyak na maayos, kumpleto, at agad na magagamit ang mga kagamitang pangresponde. Kabilang sa sinuri ang life vests, generators, chainsaws, ropes, communication equipment, mga bangka, at iba pang disaster response assets.

Bahagi ito ng mas pinaigting na kahandaan ng PRO3 bunsod ng umiiral na kondisyon ng panahon at pagbaha sa ilang lugar sa Central Luzon. Kasabay nito, pinaalalahanan ang mga tauhan na manatiling alerto at panatilihin ang mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang response agencies para sa mabilis na rescue, evacuation, at humanitarian assistance operations.

Sa patuloy na pagpapanatili ng heightened readiness, ipinakikita ng PRO3 ang matatag nitong paninindigan na maging handa at maagap sa pagtugon sa pangangailangan ng publiko, lalo na sa panahon ng kalamidad. Nananatiling nakatuon ang PNP sa pagsusulong sa adbokasiya nitong “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” tungo sa ligtas at protektadong mga komunidad sa Central Luzon.

Source: PRO 3 (https://www.facebook.com/share/p/1Eq9Wk6rxJ/)

Leave a Reply