Suspek sa pamamaril na ikinasawi ng isang welder, agad naaresto ng Davao del Norte PNP

0
127

 Agad naaresto ang isang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng isang welder sa mabilis na aksyon ng mga tauhan ng Davao del Norte Police Provincial Office nito lamang Linggo, Hulyo 12, 2026 sa mismong tirahan ng suspek sa Villa Magsanoc, Barangay Mankilam, Tagum City, Davao del Norte.

Kinilala ni Police Colonel Glenn G. Cristines, Provincial Director, Davao del Norte PPO, ang suspek na si alyas Randy, 35 taong gulang, binata, pintor, at residente ng naturang lugar, na tinuturong suspek sa pagpaslang sa biktima na kinilalang si alyas Nardo, binata, welder, at residente ng Marilog District, Davao City.

Nabatid na nagkaroon ng mainit na komprontasyon ang biktima at ang grupo ng suspek na nauwi sa pamamaril sa biktima na tumama sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Dahil sa maagap na pagresponde ng Tagum City Police Station, Davao del Norte Provincial Intelligence Unit, 1st Davao del Norte Provincial Mobile Force Company, at SWAT Team ng Davao del Norte Police Provincial Office ay narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang Colt MK IV kalibre .45 na may nakakabit na magazine na naglalaman ng limang bala.

Patuloy na nananawagan ang pamunuan ng Davao del Norte PNP sa publiko na maging mapagmatyag at makiisa sa kampanya laban sa kriminalidad, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply