Rank 5 Provincial Most Wanted sa kasong murder, arestado sa Negros Oriental

0
290

Arestado ng mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) ang Provincial No. 5 Most Wanted Person ng lalawigan sa isinagawang manhunt operation sa bayan ng Santa Catalina noong Hulyo 11, 2026.

Sa pangunguna ni Police Colonel Timmar J. Alam, Provincial Director ng NOrPPO, at sa pamamagitan ng pinagsanib na operasyon ng Santa Catalina Municipal Police Station, RIU-NIR, at mga yunit ng PNP Special Action Force, naaresto ang akusadong nahaharap sa mga kasong Murder at Attempted Murder batay sa umiiral na mga Warrant of Arrest.

Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng mahusay na koordinasyon, masusing intelligence gathering, at maagap na pagtugon ng mga operatiba upang maipatupad ang batas nang maayos at ligtas.

Ito ay malinaw na patunay na nananatiling determinado ang Philippine National Police sa pagtiyak na ang bawat taong may pananagutan sa batas ay maihaharap sa tamang proseso ng hustisya.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na kampanya laban sa mga wanted person, pinatitibay ng NOrPPO ang seguridad ng mga komunidad at pinalalakas ang tiwala ng publiko sa kapulisan at sa sistemang pangkatarungan.

Patuloy ring isinusulong ng Negros Oriental Police Provincial Office  ang mas epektibong pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng intelligence-driven operations at mas pinaigting na koordinasyon sa iba’t ibang yunit ng PNP.

 Layunin ng mga operasyong ito hindi lamang ang pagdakip sa mga akusado, kundi pati na rin ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan upang makapagbigay ng ligtas na kapaligiran para sa bawat mamamayan ng Negros Oriental alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Panulat ni Pat Andrea Dominque Depalubos

Leave a Reply