Narekober ng mga operatiba ng Mabolo Police Station 4, Cebu City Police Office (CCPO), sa pamununo ni PMaj Thom Ed Lacaba Taghoy II ang isang hindi lisensiyadong baril matapos isinilbi ng kapulisan ang Search Warrant sa Brgy. Luz, Cebu City niyo lamang gabi ng August 20, 2026.
Inisyu ang naturang search warrant ng Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 17, Cebu City, dahil sa paglabag umano ng suspek sa Paragraph (a), Section 28, Article V ng Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Narekober mula sa operasyon ang isang unlicensed .45 caliber pistol at dalawang live .45 caliber ammunition.
Agad namang isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang naarestong suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.
Ipinapakita ng matagumpay na pagsisilbi ng nasabing search warrant ang hangarin ng Pambansang Pulisya na maayos na ipatupad ang batas saanmang sulok ng bansa upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang maayos at mapayapang mga komunidad.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1EffW88FAw/?mibextid=wwXIfr



