Rank 1 Most Wanted Person ng Caloocan City sa kasong rape, arestado sa Capoocan, Leyte

0
48
Screenshot

Naaresto ng mga awtoridad ang Top 𝟏 Most Wanted Person ng Caloocan City sa pamamagitan ng mga operatiba ng Capoocan Municipal Police Station (MPS), na pinangunahan ni PMaj Joselito C Mislos, Officer-in-Charge ang Top 1 Municipal Most Wanted Person ng Caloocan City sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Lemon, Capoocan, Leyte nito lamang August 22, 2026.

Kinilala ang naaresto sa alyas na “Fred,” 24, walang trabaho at residente ng Brgy. San Joaquin, Capoocan, Leyte. 

Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 36, Carigara, Leyte, dahil sa paglabag sa Article 266-A (1) na may kaugnayan sa Article 266-B ng Revised Penal Code, o rape nang walang piyansang inirekomenda.

Ipinaalam naman sa suspek ang kanyang mga karapatan, maging ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto, at agad na isinailalim sa kustodiya ng Capoocan MPS para sa iba pang mga dokumentasyon at nararapat na disposisyon.

“I commend the personnel of Capoocan MPS for the successful arrest of the Municipality’s Top 1 Most Wanted Person. This accomplishment reflects our continuing efforts to locate wanted persons and ensure the proper implementation of court-issued warrants” (Ikinagagalak ko at pinupuri ko ang mga tauhan ng Capoocan MPS sa matagumpay na pagkakaaresto sa Top 1 Most Wanted Person ng kanilang bayan. Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na matunton at maaresto ang mga wanted person at matiyak ang wastong pagpapatupad ng mga warrant of arrest na inilabas ng hukuman), pahayag pa ni PCol Sacro.

Hindi naman titigil ang Leyte Police Provincial Office sa pagpapatupad ng parehong mga kampanya sa pamamagitan ng intelligence-driven operations, walang humpay na mga manhunt efforts, at matibay na pakikipag-ugnayan sa iba pang mga yunit ng pulisya alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1E6ynQR8QR/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply