Isang lalaki ang naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cebu City Police Office (CCPO) Police Station 10 sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Bognay 2, Brgy. Labangon, Cebu City noong umaga ng Hunyo 17, 2026.
Kinilala ni PCpt Meryl P Causin, Officer-in-Charge ng Cebu City Police Station 10, ang suspek na si alyas “Jimboy”, 41 anyos na residente ng naturang lugar.
Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office VII (PDEA-7), nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 15.25 gramo at tinatayang halaga na Php103,700.
Dinala ang suspek sa Police Station 10, CCPO at doon ay pansamantalang nakakulong habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang CCPO sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa komunidad alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police sa ilalim ng mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
Panulat: Pat Flora Mae Asarez
Source: https://www.facebook.com/share/p/1BNYo75i2w/



