Rank 7 MWP, arestado sa kasong qualified rape sa Cebu City

0
300

Arestado ng mga awtoridad ang isang Rank 7 Regional Most Wanted Person (MWP) sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad ng Cebu City Police Office (CCPO) sa ilalim ng operation “One Time Big Time” sa Sitio Langub, Brgy. Kalunasan, Cebu City noong Hunyo 17, 2026.

Kinilala ni PCpt Gabriel P Mota, Officer-in-Charge ng PS9, CCPO, ang suspek na si alyas “Jeffrey”, 42 anyos, isang construction worker na residente ng Purok.3B, Kinuman Sur, Ozamiz City.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong qualified rape na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 15, Ozamiz City na walang inirekomendang piyansa.

Ayon sa CCPO, patuloy nilang paiigtingin ang operasyon laban sa mga wanted persons upang matiyak na mananagot ang mga lumalabag sa batas alinsunod sa mantra ng himpilan na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Panulat ni: Pat Flora Mae Asarez Source: https://www.facebook.com/share/p/1CUNM91Gs

Leave a Reply