Nakumpiska ng Bacolod City Police Office – City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang Php1.43 milyong halaga ng ilegal na droga sa Barangay 27, Bacolod City nito lamang ika-15 ng Hunyo 2026.
Sa pamamagitan ng pinagsamang puwersa ng CDEU, City Intelligence Unit, at Bacolod Police Station 4, matagumpay na nadakip ang suspek na si alyas “Sapsap,” 52 anyos, na nakatala bilang isang High-Value Individual (HVI). Nasamsam ng mga operatiba sa kanyang pag-iingat ang humigit-kumulang 210 gramo ng hinihinalang shabu.
Samantala, napag-alaman namang kalalaya lamang ang suspek noong Hunyo 1, 2026 sa kaparehong kaso.
Ang operasyong ito ay malinaw na repleksyon ng determinasyon ng Police Regional Office – Negros Island Region (PRO NIR) na linisin ang bawat barangay sa ilalim ng programang SAFE NIR.
Ayon sa pamunuan, hindi bibitiw ang kapulisan sa tungkuling protektahan ang pamilyang Pilipino laban sa salot ng droga.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bacolod Police Station 4 ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay na ito ay naaayon sa mantra ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
Hindi lamang ito simpleng pag-aresto, kundi isang babala na walang puwang ang kriminalidad sa bansa. Sa pakikipagtulungan ng komunidad, patuloy na itataguyod ng PNP ang kaligtasan at kapayapaan tungo sa isang mas maunlad na Pilipinas.
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos



