Rank 9 Regional MWP ng PRO NIR sa kasong statutory rape at acts of lasciviousness, arestado sa Negros Oriental

0
213

Naaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) ang Rank 9 Regional Most Wanted Person (MWP) sa Barangay Tapon Norte, San Jose, Negros Oriental nito lamang ika-16 ng Hunyo, 2026.

​Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng mas pinaigting na Oplan Tracker ng San Jose Municipal Police Station kung saan nahuli si alyas “Chris,” 19-taong gulang, na nahaharap sa mga kasong Acts of Lasciviousness at Statutory Rape dahil sa umano’y pangmo-molestiya sa isang biktimang menor de edad.

​Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon bago i-turn over sa kaukulang korte.

​Ang tagumpay na ito ay patunay ng walang humpay na dedikasyon ng kapulisan na isabuhay ang mantra ng pamunuan na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Tiniyak naman ng PRO-NIR na patuloy nilang tugisin ang lahat ng mga nagtatago sa batas upang maihatid ang isang ligtas at mapayapang komunidad para sa lahat.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PRO NIR

Leave a Reply