Mas pinaigting ang checkpoint operations ng mga tauhan ng Surallah Municipal Police Station na ginanap sa Barangay Poblacion Suralla, South Cotabato nito lamang ika-8 Oktubre 2025.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Lemuel Josef J Clarete, Officer-In-Charge, Surallah Municipal Police Station, ang nasabing Checkpoint Operation.


Binigyang-diin ni PLtCol Clarete na bahagi ito ng kanilang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad upang maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad at tiyakin ang pagsunod ng publiko sa mga batas trapiko, at masiguro na ligtas ang bawat mamamayan sa kanilang paglalakbay lalo na papalapit ang 1st Parliamentary Elections 2025 ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Patuloy ang Surallah PNP sa kampaya laban sa anumang banta ng karahasan at kriminalidad para sa ligtas at mapayapang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Brylyn Jean Cabonilas

