SPD, patuloy na sinusuri ang kahandaan ng mga nakatalagang pulis sa Pasay City para sa ASEAN Summit

0
621

Personal na binisita ni Police Brigadier General Rodel A. Pastor, District Director ng Southern Police District (SPD), ang Advance Command Post bandang 10:00 ng gabi upang tiyakin ang kahandaan ng kapulisan sa pagbibigay ng seguridad para sa kasalukuyang ginaganap na ASEAN Summit at Related Summits nito lamang Nobyembre 16, 2026 sa Pasay City.

Kasama ni PBGen Pastor sa pag-iikot sina Police Colonel Noel M. Fermin, Deputy District Director for Administration (DDDA); Police Colonel Ricardo A. Punzalan, Chief District Directorial Staff (CDDS); at iba pang mga opisyal at mga personnel mula sa Pasay City Police Station.

Layunin ng pagbisita na direktang subaybayan ang operasyon ng mga naka-deploy na pulis sa lungsod, na isa sa mga pangunahing lugar na dinaraanan at tinutuluyan ng mga delegado. Bahagi ito ng pinaigting na pagbabantay ng SPD upang masiguro ang mapayapa, maayos, at ligtas na pagdaraos ng pandaigdigang pagtitipon, gayundin ang kaligtasan ng publiko, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: SPD https://www.facebook.com/share/p/18Ukn31tnf/

Leave a Reply