RMFB NCRPO, patuloy na tinitiyak ang seguridad at kaayusan sa mga lugar na pinagdarausan ng ASEAN Summit

0
96

Patuloy na pinaiigting ng mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbibigay ng seguridad at kaayusan sa Conrad at Solaire Hotel sa Pasay City kung saan idinaraos ang 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Sa patuloy na pagpapaigting ng seguridad, isinagawa noong November 16, 2026, sa Conrad Hotel ang briefing at maayos na turnover ng mga tauhan mula sa Civil Disturbance Management (CDM) at Special Weapons and Tactics (SWAT). Pinangunahan ang aktibidad nina PLtCol Lade Lucio D. Apanto, Billet Commander, at PMaj Jeorge Darwin L. Uy, Area Commander, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Roderick A. Pacilan.

Samantala, sa parehong araw nagsagawa naman ang Regional Medical and Dental Unit (RMDU) NCR, sa pangunguna ni PMaj Rachel Ann Ragaza, ng blood pressure monitoring at pamamahagi ng bitamina sa mga pulis na nakatalaga sa Solaire.

Ang mga hakbang na ito ay isinasagawa sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Christopher N. Abrahano, Acting Regional Director ng NCRPO, alinsunod sa PNP Focused Agenda ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP, na nagtataguyod ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ffec5AN8s/

Leave a Reply