QCPD, patuloy na pinaiigting ang paghahanda at seguridad sa EDSA People Power Monument para sa ASEAN Summit

0
423

Maagang nagpulong at nagsagawa ng accounting of deployed personnel ang Quezon City Police District (QCPD) sa EDSA People Power Monument ngayong umaga, Nobyembre 17, 2026, bandang 5:50 ng umaga, bilang bahagi ng pagpapaigting sa seguridad para sa kasalukuyang ginaganap na ASEAN Summit at Related Summits.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Police Colonel Joel Villanueva, ang itinalagang Ground Commander sa lugar, sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Christopher Olazo, Acting District Director ng QCPD.

Layunin ng maagang inspeksyon at pagbibilang ng mga tauhan na masiguro ang kahandaan ng bawat pulis at ang maayos na pagtatalaga sa kani-kanilang mga puwesto. Bahagi ito ng patuloy na hakbang ng QCPD upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko at ng mga delegado sa buong panahon ng pandaigdigang pagtitipon, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: QCPD https://www.facebook.com/share/p/1FXiWTQn1J/

Leave a Reply