Dalawampu’t limang indibidwal ang nabigyan ng bigas habang marami ring residente ang napasaya sa libreng mainit na sopas na ipinamahagi ng mga tauhan ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Advisory Group Members at Bureau of Jail Management and Penology Masbate, sa isinagawang outreach program noong Mayo 20, 2026 sa Brgy. Nursery, Masbate City.
Pinangunahan nina PLtCol Dennis B. Balla, Officer-In-Charge ng Masbate 1st PMFC, at Ms. Myrna Kitty L. Guban, pinuno ng Advisory Group Members, ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng programang “Hatag Ni Abtik” na naglalayong maghatid ng tulong, pag-asa, at malasakit sa mga mamamayang nangangailangan.
Bukod sa pamamahagi ng bigas at mainit na sopas, naging daan din ang outreach program upang higit na mapalapit ang kapulisan at iba pang ahensya ng gobyerno sa komunidad sa pamamagitan ng makatao at malasakit na paglilingkod sa publiko.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay patunay ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa mamamayan upang mapalakas ang bayanihan at pagkakaisa sa komunidad, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan ng suporta.
Patuloy namang magsasagawa ang PRO5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director, ng mga makabuluhang programang pangkomunidad bilang bahagi ng kanilang tungkulin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan habang isinusulong ang maagap, makatao, at responsableng serbisyo publiko na nakabatay sa hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”



