Php431K halaga ng shabu, nasamsam ng Muntinlupa City PNP; HVI at SLI, arestado

0
192

Nasamsam ang halagang Php431,800 ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police Station sa Sitio San Roque, Barangay Olympia, Muntinlupa City nito lamang madaling araw ng Biyernes, Mayo 22, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Olivia C. Ancheta, Chief of Police ng Muntinlupa City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Archie”, 39 anyos, isang High Value Individual, at alyas “Leo”, 40 anyos, isang Street-Level Individual na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Narekober sa naturang operasyon ang anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 63.5 gramo na may halaga na aabot sa Php431,800, buy-bust money, at isang black pouch.

“Our local drug enforcement units maintain a firm stance against syndicates and individuals pushing illegal substances into our neighborhoods. By neutralizing listed high-value drug personalities, we continue to suppress the local network of illicit operations. We remain completely persistent in executing tactical stings to keep our communities secure and drug-free,” saad ni Police Brigadier General Glenn Oliver C Cinco, District Director ng Southern Police District.

Ang operasyon ay nakaangkla sa mantra ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply