Serbisyong Mabilis: PRO5 at MDRRMO, agarang rumesponde sa nasugatang bata sa Matnog, Sorsogon

0
27
Screenshot

Sa patuloy na pagpapatupad ng mas pinaigting na police visibility at public safety efforts alinsunod sa PNP Focused Agenda, muling pinatunayan ng PRO 5 ang malasakit at kahandaan sa paglilingkod sa publiko matapos agarang respondehan ng mga tauhan nito ang isang insidente sa baybayin ng Subic Beach, Matnog, Sorsogon nitong Mayo 20, 2026.

Habang mapayapang naglalakad sa dalampasigan, ang isang batang babae ay aksidenteng natapilok sa nakausling ugat ng puno sa kahabaan ng pathway na naging sanhi ng kanyang pagkadapa at pagkasugat sa paa. Agad namang rumesponde ang mga pulis na naka-duty sa lugar katuwang ang MDRRMO personnel upang mabigyan ng agarang tulong ang nasabing bata.

Kaagad nilang nilinis at nilapatan ng paunang lunas ang sugat upang maiwasan ang impeksyon at mabawasan ang pananakit. Sa pamamagitan ng maagap at makataong aksyon ng mga awtoridad, naging maayos at ligtas ang kalagayan ng bata na nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat sa mabilis na pagtugon at malasakit na ipinakita sa kanya.

Patunay rin ito na ang kapulisan ng PRO 5 sa pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director, ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas kundi katuwang ng komunidad sa pagbibigay ng agarang tulong at serbisyong mabilis at tunay na nararamdaman ng bawat mamamayan.

Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang anumang aksidente, kasabay ng pagtitiyak ng PRO5 na mananatiling handa at maagap ang hanay sa pagbibigay ng tulong sa oras ng pangangailangan.

Leave a Reply