Serbisyong nararamdaman: 2nd Albay PMFC, agarang tumulong sa motoristang nasiraan ng motorsiklo

0
13
Screenshot

Muling ipinamalas ng mga kapulisan ng 2nd Albay PMFC ang kanilang malasakit at kahandaang tumulong sa mga mamamayan sa oras ng pangangailangan nang mapansin nila ang isang lalaking motorista na nagtutulak ng kanyang motorsiklo matapos umanong malowbat ang baterya nito habang bumibiyahe mula sa Mayon, Daraga, Albay nito lamang Mayo 12, 2026 habang nagsasagawa sila ng routine checkpoint operation sa harap ng Camp Bascaran.

Agad na rumesponde si PCpl Christian Magalona upang tulungan ang nasabing motorista na mapaandar muli ang kanyang motorsiklo. Nakiisa rin sa isinagawang pagtulong ang iba pang duty personnel sa checkpoint sa pangunguna ni PCMS Ferdinand Boncalos, na nagpakita ng bayanihan at malasakit sa kapwa.

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Focused Agenda, lalo na sa ilalim ng Community Support, patuloy na nakaagapay ang PRO5 sa mga Bicolano sa abot ng makakaya nito—maliit man o malaking paraan. Kasabay nito, patuloy ding pinaigting ng himpilan ang police visibility upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mamamayan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director, higit pang isinusulong ng PRO5 ang isang makatao, maagap, at mapagkalingang serbisyo publiko alinsunod sa layunin ng organisasyon “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Leave a Reply